Sheila | Coffee Lover Pragmatist | Artist @ heart Social Science Major | Enjoys life

Hindi ko alam…

Sa totoo lang, kahapon pa talaga ang kaarawan ko. Dati-rati, mas gusto kong mapag-isa sa natatanging araw ng pag-usbong ko sa mundong ibabaw. Karaniwan kong puntahan ang bookstore (basta may booksale), pagkatapos ay bibili ng kape, uwi, punta sa bar, magpapakalasing, sabay uwing susuray-suray. Pero mas pinili ko naman ang kumain kasama ang mga piling kamag-anak at kaibigan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Hindi dahil may sarili na akong pera dahil kumikita na ako. Hindi ko lang talaga alam.

Walang laman ang puso ko ngayon. May bahagi ng utak ko na nagsasabing isang pangangailangan ang mapunan ito. Sa pagkakataong ito, wala akong mahanap na dapat pumuwang sa nawawala kong “pangangailangan”. Pakiramdam ko’y nagdiriwang ang iba sa aking kakulangan.

20 taon mula nang dumilat ang pares ng mga mata sa mundong ito. 20 taon ng kasiyahan, kalungkutan, tagumpay, luha, paghihirap, alaala.

May pera, maayos na trabaho at tirahan, may matinong magulang. May magandang academic record, malusog na pangangatawan, may abilidad na kinaiinggitan. Pero may kulang. May kumukurot sa pusong bato nang hindi namamalayan. Lumalakad nang mabilis ang oras. Lumilipas ang panahon. Marami na pala ang nasasayang. Ang kamalayan ay unti-unting kinukulong ng makabagong sistema. Patuloy pa rin akong nakikibaka para sa kalayaan ng aking isipan. Ibang iba na ang paraan ko ng paglaban para rito mula sa nakasanayang paglabas sa kahon at magmartsa sa mausok na kalsada.

Mas masalimuot pala ang lumaban sa loob ng sistema. Lahat ay may punto’t paniniwalang baluktot at ang tanging sagot sa nakatiklop na bakal ay isalang sa apoy nang lumabot at tumuwid. Hindi madali. Panahon, sistema, isipan, katawan, institusyon ang kalaban. Wari’y walang saysay ang lumaban kung ang puso ay walang laman.

Isang malaking pangangailangan ko na ngayon ang pakikinig sa mga awitin nina Karl Martinez, Plagpul, Inang Laya, Gary Granada at iba pang mga radikal na musikero.

Soon, when I already have a home of my own.

Soon, when I already have a home of my own.

4-girls-only:

how to get away with your phone in class

4-girls-only:

how to get away with your phone in class

I am looking forward to a very meaningful teaching experience, not a manipulative teacher I could ever have to myself.

“Sheila Marie G. Cesario, a licensed teacher, future Juris Doctor. Wow. Amazing.”

http://www.youtube.com/attribution_link?a=KBddx2cAHK0&u=/watch?v=RbtPXFlZlHg&feature=share

I don’t know why I like listening to this song. Hmmm.

“The more they don’t know you, the more they speak about you.”
“I told you, I am not the typical “dream girl”.”
“Wanna play with me baby,
You’re drivin’ me so crazy.”
©